MAYNILA, Pilipinas – Nakatanggap ng parangal mula kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang matapang na pulis na nakapatay sa isang holdaper sa Maynila noong Martes.
Personal na iginawad ni Dela Rosa kay Insp. Paulito Sabulao, hepe ng MPD Station 9, ang Medalya ng Kagitingan dahil sa ipinakitang kabayanihan ng una nang buong tapang na nakipaglaban ito sa riding-in-trio na kaniya sanang sisitahin sa may bandang Singalong kanto ng Aragon Street sa Malate.
Sa kuha ng isang CCTV sa lugar, makikitang nilapitan ni Sabulao ang tatlong lalaking nakamotorsiklo, kung saan ang dalawa sa kanila ay walang suot na helmet ngunit may sombrero at may takip ang mukha. Pinaghihinalaang holdaper ang mga lalaki, ayon sa ulat ng GMA News.
Subalit bago pa man makalapit nang tuluyan si Sabulao ay napansin niyang armado ang isang lalaki, sanhi upang paputukan niya ito sa binti.
Habang patakas ang grupo, nahulog pa ang isang lalaki at nakuha pa umanong magpaputok kaya napilitan nang gumanti ang pulis. Napatay ang lalaki sa gitna na nagtamo ng apat na sugat sa katawan habang nakatakas naman ang dalawa na hindi pa rin nakikilala hanggang sa kasalukuyan.
Pinuri ni Dela Rosa ang katapangan ni Sabulao at niregaluhan niya rin ito ng isang Glock 30 compact pistol bilang personal na gamit.
Hinimok rin ng PNP chief ang mga kapulisan na huwag matakot pumatay ng mga kriminal kung nalalagay na sa peligro ang kanilang buhay.
Paalala ni Dela Rosa hindi naman umano pakakainin ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang mga pamilya kung sakaling sila ang madisgrasya habang ipinatutupad ang kanilang mag tungkulin.
Source: #
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News
© Duterte News
Loading...
Post a Comment